Reviews tagging 'Abortion'

Ang mga Kaibigan ni Mama Susan by Bob Ong

1 review

risse's review

Go to review page

adventurous challenging dark funny mysterious tense slow-paced
  • Plot- or character-driven? A mix
  • Strong character development? No
  • Loveable characters? It's complicated
  • Diverse cast of characters? No
  • Flaws of characters a main focus? Yes

4.0

four stars! ★ Paker, nagbabasa lang ako bakit sa 'kin n'yo ililipat ang mga kaibigan ni Mama Susan?!

Okay, matagal ko ng gustong basahin to pero mas mabilis kong matapos yung ibang libro. Nong isang araw, nakita ko na ma-a-adapt to as a pelikula (pelikula ba? Ewan) na gaganapin ni Joshua Garcia. Syempre, ayaw ko magpahuli kaya binasa ko na agad.

Alam kong horror tong story na to, na-excite din ako kasi marami akong nababasang magandang komento sa libro na to, na kabaliktaran naman dito sa GoodReads.

Sobrang lakas ng tama sa akin kasi nakasulat in epistolary form, I'm a big fan sa mga gantong book. It follows Gelo Manansala, na nahilig sa pagsusulat sa journal nang makasanayan na nya dahil sa pa-project ni Mrs. Lao.

Pinakita ni Gelo ang buhat niya bilang estudyante, bilang kaibigan, ang buhay niya sa paninirahan niya sa kanyang Tito at Tita, kasama ng mga pinsan nya. Nang malaman niyang nagkasakit ang kaniyang Lola, umuwi siya sa probinsiyang Tarmanes, at doon na nagsimula ang kababalaghan at misteryo. (Char, ang drama HAHA!)

Unang-una, curious na ako kung sinong tinutukoy ni Gelo sa mga unang journal entry niya tungkol sa isang babae na kalaunan ay sinabi din ni Mama Susan.

Ito ang mga nagustuhan ko sa k'wento:

  • yung structure niya mismo as epistolary.
  •  the writing dahil sobrang relatable ang pagsusulat at pananalita ni Gelo. TagLish  at natutuwa ako sa "Paker!" (Ang babaw ng kaligayahan ko, lol) 
  • yung paunti-unting build-up ng tension at yung takot ko.
  • gustong-gusto ko ang mga horror na gumagamit ng kulto o relihiyon, para sa akin mas natatakot ako doon kaysa sa mga multo. Yung mga bulto—putek!—h'wag mo kong palapitin lahit sa maliit ng Santo Niño.
  •  yung pagka-desciptive ng bawat eksena lalo na kapag kasama ang mha bulto at si Mama Susan. 

Mga tanong na natira sa isip ko at iba pa:

  • so, patay na si Lola Susan noong una pa lang, ibig sabihin may sumapi kay Mama Susan? 
  • sino ang kontrabida dito? Si Mama Susan ba mismo o ang mga espirito? O wala?
  • ang hipokrito ni Gelo, aakalain mong biktima siya pero siya mismo ang karugtong ng kasalanan na ginawa ng magulang niya. Pero on the bright side, mas naging dynamic at hindi two-dimentional ang karakter niya. 
  • putek, yung mga Latin?! Grabe ang pagpipigil ko na hindi basahin 'yun kahit sa utak ko. 😭
  • na-astig-an ako sa ending, parang may kasama siya sa pagsusulat sa journal niya. Maaring masamang espirito, ang kaluluwa ni Mama Susan, o ang kaluluwang napaalis ng Kapatiran sa katawan ni Joselito (?).
  • yung illustration sa huli, nagulat ako! Putek na yan! Mama Susan, magdahan-dahan ka. 💀
  • yung nga huling salita, matatakutin ako so natural na natakot ako. Parang hinabilin ni Gelo ang pagdadasal ng kaluluwa niya sa nagbabasa. 

Overall, nagustuhan ko siya. Iba talaga ang hatak ni Bob Ong, maliban sa pa-TagLish siya magkwento, nahahaluan niya ng komedya at mga iilang sapal sa mukha na katotohanan na ginagawa ng mga tao at mga Pilipino. Kasama na dito ang patungkol sa korap na gobyerno, sa mabilis na pag-usbong ng ekonomiya, teknolohiya, at iba pa.

Expand filter menu Content Warnings
More...