Reviews

Bahay ni Marta, by Ricky Lee, Ivan Reverente

rishvergara's review against another edition

Go to review page

4.0

Para Kay B palang ang nababasa kong libro ni Ricky Lee at kolehiyo pa ako nung huli kong binasa iyon. Dahil sa libro na ito parang gusto ko basahin mga iba pang libro ni Ricky Lee. Nakakatawa na malungkot itong libro at kakaiba dahil may isang bahay na nagkwekwento,

katonthejellicoe's review against another edition

Go to review page

challenging dark sad medium-paced
  • Plot- or character-driven? Character
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? It's complicated
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? Yes
Kapag nawala na ako at nalungkot ka, lagi mong iisipin, ang kalungkutan ay kaligayahang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon. — Ricky Lee, Bahay ni Marta

hindi sasapat ang mga salita upang ipahayag ko kung gaano kahusay ang pagkakasulat ni Ricky Lee sa aklat na ito; ngunit kung aking ibubuod, ito ay kwento ng isang ina at ng kanyang mga anak, ng isang batang ulila at isang abandonadong bahay. ito ay kwento ng isang masakit na karanasan, mahigpit na kapalaran, at walang kapalit na pagmamahal.

sa loob ng isang daang pahina, minahal ko si Marta, ang bahay, at ang batang walang pangalan.

Expand filter menu Content Warnings

joshmingming's review against another edition

Go to review page

4.0

Si Sir Ricky kung magkwento, parang kapitbahay mo lang na tsinitsismis ka kaya hindi mo mabitiwan ang libro. First time ko makabasa ng nobela na hindi gumamit ng quotation marks sa dialogue. Maganda rin pala ano. Maikli pero andaming nangyari. Minsan nga, subukan ko ring kausapin ang bahay namin.

ur4nus's review against another edition

Go to review page

emotional reflective sad fast-paced
  • Plot- or character-driven? Character
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? Yes

4.0

thequeenreads's review against another edition

Go to review page

3.0

Maganda pero hindi sobrang ganda.

baancs's review

Go to review page

reflective

4.0

Posible bang ang isang tao ay ipinanganak nang masama? May kautusan bang nagtatakda galing sa itaas? O hangin lang ba itong kung saan mapaling ay magiging mabait ang isang tao o masama?

Tungkol sa kabutihan at kasamaan, at kung paano ba natin ipinapakahulugan ang mga salitang ito. Dito, susubukin ang pagtingin natin sa mga karakter na itinuturing na “mabuti” at sa mga karakter na itinuturing na “masama”. Higit 100 pahina lang ito pero malamán ang kuwento.

marielmpabroa's review

Go to review page

emotional hopeful reflective sad fast-paced
  • Plot- or character-driven? A mix
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? No

4.0

Totoo nga ang sabi ni Mr. Bienvenido Lumbera na kagila-gilalas magkwento si sir Ricky Lee. 

Noong binili ko ang librong ito, wala akong alam tungkol sa buong plot ng istorya. Kaya nang mabasa ko ang unang parte ng libro, tila nag-alangan ako sa patutunguhan ng kwento. Itinigil ko pa ang pagbabasa ng isang araw, ngunit dahil sa kagustuhang mabasa ang patutunguhan ng kwento, binasa ko ulit ito. Sa tingin ko, ito ang kakaibang bagay na hindi mo maikakaila sa mga gawa ni sir Ricky— sobrang galing n'yang maghabi ng kwento na dahilan para hindi mo maibaba ang libro o kung naibaba mo man ito, babalik ka ulit sa pagbabasa nito. 

Isa sa pinakagusto kong parte ng libro ay ang mga pahina patungo sa huling parte nito. Sobrang galing ng pagkakasulat ni sir Ricky Lee kung saan parang eksena sa pilekula ang mga nangyayari kung saan nagka-cut sa iba't ibang character ang mga paragraph at kung ano ang ginagawa nila hanggang makarating sila (at pati na rin tayong mga mambabasa) sa pinakamataas na parte ng kwento. Dahil dito medyo napaluha talaga ako.

Siguro ang medyo hindi ko lang nagstuhan sa kwentong ito ay ang paiba-iba ng pacing ng kwento. Minsan kasi nasa past tense ang pagkakasulat, tapos nag-iiba na naman, napupunta sa present tense o kaya'y perfect present tense. Minsan nag-iiba rin ang POV ng kwento dahil may pagkakataong nasulat ito, lalong-lalo na sa huling parte ng kwento, na galing sa 3rd POV ay naging 1st POV ito. Ang huli kong critique sa kwentong ito ay
Spoiler ang paggamit sa karakter ng bahay dahil may mga pagkakataon sa kwento na sigurado akong hindi alam ng bahay, katulad ng mga pangyayari sa ospital kung saan dinala si Nay Marta.
Iyon lamang at nawa'y makatulong ang kaunting review na ito. 

mariaellabetos's review

Go to review page

3.0

This is the book I read during my weekend participation with #WorldBookDay in discord. When I saw an invite from Kwesi, I penciled the event in my calendar, making sure that a specific timeslot is free for me to read (or speed-read!)

Ricky Lee's prose is very conversational in Filipino, and very easy to zen in. It was set in Laguna during lenten season, and in a span of less than a week, multiple events unravel. In as early as chapter 2, a striking scene happened.
SpoilerMarta, the main character, was raped by Tomas, her designated carpenter


I don't rate it as five stars, because of its brevity and quick pacing. At this point in my life, I prefer slower prose and those moments of introspection. wala lang, share. Maybe the younger readers will appreciate manong Ricky Lee's work, especially the evocative moments being delivered in less than two pages.

I'd recommend this work to the college students who wanted to do a book review/analysis of manong Ricky Lee's writings, and how will they differentiate it with his scriptwriting styles.

aidrielle's review

Go to review page

4.0

potah ka ricky lee bat ang galing mo?

ibadlyneedaread's review

Go to review page

challenging emotional hopeful medium-paced
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? It's complicated
  • Diverse cast of characters? No
  • Flaws of characters a main focus? It's complicated

3.0

More...