A review by crosette
Kulang na Silya at Iba pang Kuwentong Buhay: Essays on Life and Writing by Ricky Lee

The last three (or four?) essays in the book I liked the most. Ricky Lee’s speech on “Kulang na Silya” (included as the final chapter of this book) still made me tear up today even after having read it so many times since 2019 haha!


Sharing here some excerpts from one of my favorite essays, ‘Bubog’:
Spoiler

“Ang tawag ko dito ay bubog. Isa siyang sugat sa loob mo na kailanman ay di na naghihilom. Lumipas man ang panahon, (…) It never leaves you. Maski ibaon mo man sa pinakaloob mo, it stays.”

(…)

“Sa buhay natin ay marami tayong mga nagiging bubog, mga sugat inflicted on us by others, or by life, sometimes even by ourselves. Ang ilan ay nagkaka-closure at nagiging mga peklat na lang. Andoon pa rin, paminsan-minsan lang nagpapaalala sa'yo na minsan ay nasaktan ka. Pero merong ibang nananatiling sariwa, na parang kasusugat mo pa lang.

Minsan ang bubog ay nasa harap lang natin, araw-araw na nararamdaman natin pero di na natin hinahanapan ng closure, o di pa mahanapan”

(…)

“Naglalakad tayo sa kalsada palibot ng mga taong may kanya-kanyang bubog.”

(…)

“Kapag dineny natin ang ating mga bubog, kapag nagpanggap tayong hindi ito nangyari, mananatili pa rin ito sa subconscious natin, isang mabigat na bagaheng dala-dala pa rin natin. Kung sampung taong gulang ka noong nangyari ito, hanggang ngayon kapag nagbabalik ang sakit ay nagiging sampung taong gulang ka uli. Pero kapag kinilala mo ito, you grow. It's not the bubog that forms who you are. It's how you react to it.”