A review by scythefranz
Minamahal ang Dinadala Mo sa Paglisan: Mga Pagsasanay sa Pagsusulat at Pag-iisa by Edgar Calabia Samar

4.0

Mahilig talagang maglaro si Sir Egay ng mga...

salita.

Nakabibilib na nakakainis na para kang niloloko. Hindi ko ma-explain. Hahaha.

Gayunpaman, malaman ang mga sanaysay ni Sir Egay sa koleksyong ito. May tungkol sa politika, sa mga nangyari at kasalukuyang nangyayari sa bansa, sa pagsusulat, sa alaala at lalong-lalo na sa pag-ibig. Tama, lalong-lalo na sa pag-ibig.

Naloka ako na sa bawat galit at pagkainis na nakaipit sa mga talata tungkol sa politika ay biglang mapupunta ang hinanaing at naratibo sa kalungkutan at kilig na dala ng pag-ibig. Sana all!

Ang ganda ng transition sa totoo lang. Akala mo political na pangungusap pa rin ang binabasa mo, tungkol na pala sa pag-ibig. Ang harot! Char lang.

Informative, malungkot at nakagagalit. Kung susumahin ko sa tatlong salita ang karanasan ko sa pagbasa ng mga sanaysay na ito.