A review by billy_ibarra
Cubao midnight express: Mga pusong nadiskaril sa mahabang riles ng pag-ibig by Tony Pérez

dark funny mysterious reflective tense medium-paced

4.5

Pamilyar na pamilyar ang Cubao sa mga mangingibig. Ilang beses na nitong nasaksihan ang kuwento ng mga pusong nadiskaril; mga pusong minsang nadaya ng inaakala nilang pag-ibig. 

Cubao ang minsa'y takbuhan ng mga pusong sawi.

Ito ang Cubao ni Tony Perez sa Cubao Midnight Express. Ipinakilala niya ang Cubao hindi lang bilang isang lugar kundi isang karanasan---nadarama, naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasahan. Isang abalang lugar na itinuturing ng lahat na sentro ng Pilipinas, ang sangandaan ng mga bagay-bagay, isang lugar na takbuhan, o kanlungan, ng mga pusong sawi. Mapakakapit ka nang mahigpit sa safety handrails ng tren sa mga istoryang alam mong si Perez lang ang makapagbibigay.