A review by vance_31
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan by Bob Ong

5.0

Actual rating: 4.5

Grabe. Pa'no ko ba sisimulan? Ayon.

Binasa ko uli. Nu'ng unang pagkakabasa ko (2019), tingin ko nakakakilabot naman, pero parang pilit.

Pero ngayong binasa ko uli (2021), mas na-appreciate ko pa ang librong ito. Mas naintindihan ko pa ang mga nangyayari.

Hindi lang magaling magpatawa si Bob Ong, magaling din manakot. Sa lahat ng mga horror na nabasa't napanood ko, itong Ang mga Kaibigan ni Mama Susan ang nag-standout. Hindi ito umaasa sa mga Jump scare gaya ng mga basurang horror movies ngayon. Iba ang epekto ng librong ito. Talagang mararamdaman mong ikaw si Galo at nasa bahay ka ni Mama Susan. Matatakot ka sa mga bagay na hindi mo alam. Unti-unti kang binibigyan ng clue kung ano ang nangyayari at alam mo talagang malaking pasabog ang tinatago.

Nakakatuwa na gumamit ang kuwento ng mga disturbing elements. Minsan ito lang ang kailangan para makapanakot nang effective sa halip na manggulat. Sino ba naman ang hindi kikilabutan sa mga kulto, mga kakaibang rebulto, at mga bangkay. Todo todo na hahaha

Si Mama Susan naman ay talagang kakaiba sa mga karakter ng horror movies. Kikilabutan ka sa mga sinasabi niya. May punto, pero nakakatakot pa rin. Nakakatakot din kapag ginagamit sa ibang paraan ang mga linya sa Mga Pahayag, gaya ng ginawa ni Mama Susan. Basta, nakakatakot siya. Nagulat pa ako sa likod ng cover. Paker.

At syempre di ko makakalimutan ang dalawang bata. Napaka-significant ng role nila sa reading experience ko. Kikilabutan ka sa mga pinagsasabi nila, lalo na si Jezel. "Hindi sya lola!", "May maitim na lolo!" Walang'ya. Goosebumps!

Medyo di lang okay sa 'kin ang ending, di ako sigurado kung dahil ba sinasapian si Galo no'n at nagawa pa niyang isulat sa diary ang huling nangyari. Ewan ko lang, medyo may pagka-unrealistic. Pero parang diary ang writing ng libro, hindi memoir. Sinusulat habang nangyayari ang mga kinukuwento kaya kailangang maisulat nang gano'n.

Pero maganda pa rin ang librong ito. Umasa pa naman ako sa movie adaption nitong libro ng Black Sheep Productions (yata), kaso parang wala na silang balak ituloy. Sayang.

Huwag mong bibigkasin ang hindi