A review by ardystvs
Si by Bob Ong

5.0

"Katabi mo ako pero hindi mo ako nararamdaman. Kausap mo ako pero hindi mo ako naririnig." -Olivia
"pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?"- Olivia
"at totoong may dahilan ang puso na hindi maipapaliwanag maging ng dahilan."
"Sakit ka sa isip at sumpa sa puso."
"at humihiwa rin ng kaluluwa ang pag-asa."

Bagaman ito ay isang kwento ng pag-ibig, hindi ako nabigong makita ang kagalingan ni Bob Ong pagdating sa paggamit ng angkop na mga salita at sa pagbuo ng bagong mga konsepto. Pinakita rin dito ang kadakilaan ng pag-ibig at kung paano ito naging wagas at tunay para sa dalawang tao.

Dahil sa aklat na ito, gugustuhin mo talagang magmahal at magmahal at mahanap ang taong karapatdapat makatanggap ng iyong pagmamahal.