A review by ervnmts
The Color Purple by Alice Walker

5.0

Kwento ng mga kapatid sa ibang kulay at pagkakaroon ng pamilya sa hindi mahihinagap na pagkakataon. Umiikot sa napakaraming tema gaya ng kasarian at gender roles, misogyny, kulay, lahi, kultura, pananampalataya, domestic violence at oppression.

Higit sa lahat proseso ito ng paglaya at pagpapatawad, at ang simpleng pagpapatuloy ng buhay.

Unang beses ko rin makabasa (na isang masayang karanasan) ng nobela na nasa African American Vernacular English (AAVE) na malimit lang natin mapanood at mapakinggan sa mga extra na karakter ng mga pelikulang puti.

Tila tumanda rin ako kasabay ng mga karakter.