A review by charminwanderland
Hold You Accountable by alluringli

5.0

Another hidden gem sa Wattpad. ✨

Ang ganda ng story. Ramdam ko iyong mga emotions ng characters dito. Hindi rin pilit ang mga susunod na mangyayari. May pagka cliché ang love story, pero nagkaroon pa rin ng impact sa akin kasi nga hindi lang naman doon umikot ang story. Hindi ko naranasan maging Senior High School Student pero nung binabasa ko 'to, parang naka-relate ako ng very light kasi nung college ako napagdaanan ko rin iyong struggles ng mga characters dito. May mga life lessons ka ring matutunan.

Kudos sa author. Ang dami niyang binreak na norms dito. Nagawa niyang maging makabuluhan ang story kahit na may romance na ganap. Mas okay iyong ganito since majority ng mga readers sa Wattpad ay mga teenager.

I'll definitely recommend this story! ✨