billy_ibarra's review

Go to review page

dark funny mysterious reflective tense medium-paced

4.5

Pamilyar na pamilyar ang Cubao sa mga mangingibig. Ilang beses na nitong nasaksihan ang kuwento ng mga pusong nadiskaril; mga pusong minsang nadaya ng inaakala nilang pag-ibig. 

Cubao ang minsa'y takbuhan ng mga pusong sawi.

Ito ang Cubao ni Tony Perez sa Cubao Midnight Express. Ipinakilala niya ang Cubao hindi lang bilang isang lugar kundi isang karanasan---nadarama, naririnig, nakikita, naaamoy, nalalasahan. Isang abalang lugar na itinuturing ng lahat na sentro ng Pilipinas, ang sangandaan ng mga bagay-bagay, isang lugar na takbuhan, o kanlungan, ng mga pusong sawi. Mapakakapit ka nang mahigpit sa safety handrails ng tren sa mga istoryang alam mong si Perez lang ang makapagbibigay.

antoneth's review against another edition

Go to review page

5.0

Hindi ko alam bakit ngayon ko lang binasa 'to. Ieedit ko 'to at magsusulat ng panibagong review, kailangan ko muna kumalma. Sobrang ganda.

ellekaie's review against another edition

Go to review page

5.0

Basahin ang akda dito: http://tonyperezphilippinescyberspacebook5.blogspot.com/

Eto ang compilation ng reviews ko na sinulat ko sa bawat Biyernes ng buwan na 'to (Setyembre).

-----

First trip: Ang ganda ng parallel ng dalawang kwento. Sa totoo lang, nahirapan ako magbasa nang onti. Pero dahil dito, gusto ko pang magbasa ng mga akda tulad nito. (Baka meron kayong suggestion hehe.)

Tipanan: Nagustuhan ko ang ritmo at ang feminist undercurrent ng kwento. Mga paboritong linya:
- Palubog pa lamang ang araw, at ang langit ay nagparang puwit ng kalderong pilak na sinisinagan ng apoy—kaibang tanawin ng paglubog ng araw na alam niyang doon lamang masasaksihan sa Cubao.
- “Thank you.” (“At mas lalong salamat kung hindi ka isang rapist.”)
- Nasaan ang mga bulalakaw, ang tanong-sa-isip niya, nasaan ang sax and violins, nasaan ang fanfare, nasaan ang stinger, nasaan ang pagtigil ng panahon at ng buong mundo, nasaan ang biglang pag-iba ng buhay ko? Nasaan ang kulog at kidlat na yumanig sa kalangitan nang kumagat sa mansanas sina Adan at Eva? Nasaan ang arkanghel na may tangang espadang ubod ng liwanag at umaapoy?
- “Putang ama ka, bakla ka!” sigaw niya, at binagsak niya ang pintuan.

Pamamanhikan: Nakakatakot pumasok sa isip ng isang delusyonal na stalker at mamamatay-tao. Mas nakakatakot na alam mo na ang mangyayari kay Fina, gawa ng nangyari sa ibang mga babae. Mga paboritong linya:
- Doon siya nagkamaling tumapak sa laylayan ng mahabang damit na suut-suot pa niya. Nadulas siya. Nahulog sa paanan ng matarik na hagdan. Nang bumagsak siya sa sahig, bigla akong nakarinig ng malutong, parang yaong pagbali ng sanga ng punong bayabas na minsan kong nahulugan sa mababang paaralan, lagutok na may-halong kalabog na basa, parang labahin sa tabing-ilog na minsang hinataw ng palupalo.
- Iyon kasing balisong, iyong balisong kasi. Bumaon iyong balisong sa lalamunan niya.

Bumaon sa kaliwa, bumaon sa kanan.

Pula, berde. Kaliwa, kanan.

Patay na siya.
- ’Di ba, noong isang hapon, sinutsutan kita?

Parang sutsot ng gunting.

-----

Second Trip: Mas magaan siya compared sa nauna.

Basted: gusto ko yung paggamit ng liham para ipakita yung switching perspectives. iniisip ko nga nung una, typewritten kaya 'yun? pero sa tingin ko sulat-kamay ata. nakakatuwa basahin yung pagblossom ng feelings nila, di bale nang baluktot ang English at may mga typo. heartbreaking yung ending. :(

Kaisplit: akala ko kaibigan niya si Valentin. he named his dick pala hahahaha. natawa ako dito:
- “How funny naman your fishes, they’re blue and white, there’s no fishes naman this color, ah.”

“Siguro, Atenistang isda iyan,” sagot ko.
- “Tsaka na ibagsak ang mga iyan. Ibagsak mo muna’ng pantalon mo.”

Katalo: nung binabasa ko yung batuhan ng dialogue nung apat habang naglalaro sila, naiimagine ko yung eksena na parang slapstick comedy sa movie. relate din pala ko kay Purita, ||ilang beses na rin ako nagkaroon ng crush na 'di kami talo lol.

-----

Third Trip Pt. 1.

Balani: gusto ko talaga ng coming-of-age stories so na-enjoy ko 'to basahin. para sa 'kin lang, groomer ata si Tito Rudolph. may pagka-CMBYN yung vibes, lalo na nung nasa dagat na.

Ligaw: legit bang "Iniibig k" lang yung laman nito? kung oo, *medyo* may sense kasi pwedeng ligaw (lost) na nanliligaw yung nagsulat lol.

-----

Third Trip Pt. 2.

"Huling biyahe na po pa-Cubao. Pa-abot na lang po ng bayad sa mga 'di pa nagbabayad."

Nag-abot ako ng barya sa mamang may kasamang aso sa paahan. Ang weird, ngayon lang ako nakakita ng aso na nakasakay sa jeep. Gusto ko sana tanungin yung amo kung ano pangalan niya, pero mukhang wala siyang pakialam sa aso. Kawawa naman siya, parang halos ilang linggo nang di kumakain. Ang dungis pa ng fur niya. Ayokong husgahan yung umabot ng bayad ko, pero sana alagaan niya yung askal. Kung hindi man, sana maramdaman ulit ng aso yung saya, kahit sa dulo na ng paglalakbay niya.

"Puki mo!" sigaw na babae sa harap ko na pumutol sa pagmumuni-muni ko tungkol sa aso. Napansin ko ang dalawang lalake sa tabi niya. Sa tingin ko matatalik silang makakaibigan, pero sarado ang application, three is already a crowd. Nakakatuwa pakinggan 'yung babae, ang dami niyang kwento na sa tingin ko na 'di dapat pinagpagsigawan sa jeep. Pero hatinggabi na, 'di naman puno ang jeep, at ano naman gagawin naming mga estranghero sa mga storya niya? Di ko naman siya kilala, pero rinig ko Carissa pangalan niya.

Nakakalungkot mag-isa, kaya siguro lalo nakakaakit na makipagkaibigan sa kanila. Mukha silang masaya at ramdam ko na marami akong matututunan sa kanila.

Naghahagikgikan ang tatlo nang makita ko na ang kanto malapit sa apartment na tinutuluyan ko. "Para po," tawag ko sa drayber.

Tumigil ang jeep at bumaba ako, bitbit ang kanilang mga kwento.
More...