Reviews

Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3) by RM Topacio-Aplaon

kent_alvarus's review

Go to review page

5.0

Grabe. Mahal na mahal ko ang nobelang ito. Saksi ang mga pahina nito na tinadtad ng nakaluping page flags sa mga linya, tagpo, at ganap na gusto kong laging maalala at balik-balikan. Siguro kung mayroon akong listahan ng mga nobelang dadalhin ko hanggang sa tumanda ako, ibig kong sabihin ay 'yung kuwento at mismong aklat, isa ito sa mga iyon.

Lalong ginawang napakalungkot ni RM Topacio-Aplaon ang kantang Daigdig ng Alaala, isa sa mga gusto kong 80s OPM songs. Masakit. Lalo kapag nanamnamin ang bawat salita ng kanta habang isa-isang binubuklat ulit ni Dylan ang nakaraan nila ni Yumi—o Lila. Kasama na rin kung iisipin kung paano ang pakiramdam ng kanta mula sa pagpapatugtog ng plaka sa turntable o ng cassette sa portable player.

Minahal ko rin ang secondary characters na naging bahagi ng buhay ni Dylan at Yumi/Lila. Kasama na rin sina Camila, Audrina, at Michelle. At sina Meowie at Carmina Dixson. Sana may suwerte rin akong kagaya ng kay Dylan pagdating sa babae.

Kung gaano akong ginawang maligaya sa mga nakaraan ni Dylan at Yumi/Lila, sa pag-ibig at pagkakaibigan; kung gaano ako nakaramdam din ng pagmamahal at libog habang binabasa ang kuwento nila, ay siya ring tindi ng lungkot na ipinaramdam sa akin ng nobela. Nakakawasak.

Habang nasa gitna ng pagkawasak, hindi ko alam kung papaanong maisasara ang nobela na hindi magiging flat o nakakadismaya. Pero nagawa ni RM Topacio-Aplaon na mapainog ang katapusan sa napakatiwasay na paraan. Sa maganda niyang salita, pantasmagoria.



(Side note: Medyo maraming kapansin-pansing typographical errors sa Tagalog words. Grabe, UP Press, alam kong lengthy ang nobela pero masinsinang proofreading, please. Medyo nakakasira ng momentum sa pagbabasa, lalo na sa kagaya kong talagang gigil sa mga ganyan pagdating sa published works. 'Yun lang.)

billy_ibarra's review against another edition

Go to review page

emotional sad medium-paced

5.0

2020 lang nang unang mabasa ko ang unang edisyon ng Lila at makilala ang panulat ni RM. Dinala ako ng kanyang nobela sa lugar na hindi ako pamilyar: sa Imus. Dito, ipinakilala niya sa akin ang kuwento ng dalawang bata na tiyak akong hindi na mabubura sa sistema ko. 

Hindi ko na napansin kung may nadagdag ba o nabawas sa bagong edisyon basta ang alam ko lang, may hatid pa ring bigat ang kuwento nina Dylan at Lila. Noong una kong nabasa ang kuwento, pinaluha ako nito at hindi pinatulog buong gabi. Pero sa pangalawang pagbasa ko nito, hindi na ganoon kasakit sa akin, dahil siguro alam ko na ang mangyayari. Gayunpaman, hindi nabawasan ang paghanga ko sa nobela. Parang gusto ko ngang damputin uli ang Muling Nanghaharana ang Dapithapon at Topograpiya ng Lumbay para tuloy-tuloy na ang pagdalaw ko sa Imus 'tapos overthink malala. Haha. 

Ginawan ko rin pala ng playlist ang Lila para feel na feel mo magbasa. Hindi ko lang makita yung kanta ni Rey Valera na "Ayoko ng Jazz"  at yung kanta ni Walter Navarro na "I've Gotta Be Me".

Lila ang Kulay ng Pamamaalam playlist:

https://open.spotify.com/playlist/16znbRfKGKcpd9SuRlN1zN?si=yz4r3QVHQ_2A8_klCQKahg&utm_source=copy-link

augustimely's review

Go to review page

4.0

"Minsan, hindi tayo makakagawa ng magandang alaala kung walang lungkot, takot, sakit ... Pa'no ka magsusulat tungkol sa kaligayahan kung hindi mo alam at naranasan ang lungkot?"
Awts pain pighati lumbay hinagpis kirot sakit iyak lungkot dalamhati, is what RM Topacio-Aplaon probably meant.

I think it's no secret that this is a sad book; the title already betrays what the prevailing mood is going to be. It's that color—lila—that adds a shade of ambiguity. And it's a beautiful color and perhaps some sign that maybe things won't be as somber.

Indeed, while it is centered around the grayer emotions of the heart, Lila ang Kulay ng Pamamaalam never fails to remind and teach us that these hues were also once made up of bright colors. That happiness is a painstaking process and not some instant stopover. Sadness too.

The greatest thing about this book is its narrator, Dylan. Topacio-Aplaon perfectly captures the innocence of youth, of boyhood, and the wistfulness of looking back to those days through Dylan's character and his innermost thoughts and feelings as we journey with him throughout the years. And it was a delight to see his progression from the first chapter up to the last.

And I guess it's also no secret that this is a story of and about love, but it's not just a simple love affair. The book also touches upon other shades of love like family and friendship and love of the self. And a love of dreams and dreaming—another thing about this book that I greatly appreciate.

I went into this book not knowing much, only that it had a pretty title. In a way, I was like Dylan: captivated, wanting to know more about this lovely thing. And I'm leaving with an even stronger desire to not just read more of this author's work but to enjoy my own youth—in all its sad and happy memories.

mariaellabetos's review against another edition

Go to review page

3.0

-______________-

dee2799d's review against another edition

Go to review page

4.0

Sa totoo lang, binili ko 'to na ineexpect na 'di ko siya masyadong magugustuhan; 'yung tipong 'Okay lang, maganda pero medyo pretentious' tulad ng opinyon ko sa mga sulat ni Karl De Mesa. Nasa Literary Festival kasi ako, umattend ng panel ng UP Press, at nando'n si RM Topacio-Aplaon. Pinakilala ni Gerry Los Banos bilang isang bagong manunulat at itong Lila daw kahit ang pinakamasungit na kritiko sa UP napahanga.

Nung nasa UP pa ako, lagi akong nagtataka kung bakit maiikli ang mga nobelang Pilipino. (Ang sagot sa 'kin ni Charlson Ong, 'Itong bago kong librong Banyaga mahaba.' Intriguing, pero hindi naman talaga nasagot ang tanong ko.) Ito na siguro ang isa sa mga pinakamahabang nobelang nabasa ko na Tagalog.

So: Mahabang nobela, magandang pagtanggap mula sa mga kritiko, at ayon sa manunulat, ito raw ay tungkol sa Imus, tungkol sa kawalan, tungkol sa suicide, at iba pa. Kahit feeling ko malaki ang tsansa na pretentious talaga ang nobelang ito, binili ko na rin. Maganda naman ang pabalat.

Maganda talaga siya. May mga bahagi na iniisip ko puwede namang paikliin (ang paulit-ulit na pagbanggit sa mamasa-masang mata ni Lila, ang palda niyang 'di lalagpas sa tuhod, ang pearl earrings niya) pero opinyon ko lang 'yon. Sanay kasi akong pagsabihan na 'pag pwede namang hindi, 'wag na lang isulat. Ang mga deskripsyon na minsa'y nasa teritoryo na ng 'purple prose' ay nakadadagdag naman sa kabuoang liriko ng nobela. Parang 'epithet' ba sa mga epiko.

Noong una inisip ko nga na baka nadadaya lang ako ng nostalgia. Sa Cavite kasi ako lumaki, noong 90s. Hindi nalalayo ang experiences nina Dylan at Lila sa mga narasanasan ko nung bata pa ako. (Nabanggit sa nobela ang kending 'tira-tira' na hindi na alam ng mga kabataan ngayon. Ang mga kanta ng Eraserheads na siya ring tumutugtog sa radyo noon.) Pero habang tumatagal at hindi pa rin ako pinakakawalan ng mundo nina Dylan at Lila, naisip ko, hindi ito daya. Gusto ko ang mga tauhan ng nobela, gusto kong malaman kung ano'ng iniisip nila at kung ano'ng gagawin nila.

At kung nag-aalala kayo na panay romansa ito, na panay introspeksyon at pagjajakol tungkol sa mga awit at aklat at paano magsulat: hindi. May gustong sabihin ang nobelang ito. Mula sa kuwento ng pagkamatay ng nanay ni Dylan, hanggan sa pagbalik niya sa Imus maraming taon ang nakalipas para malaman na nagbago na ang lahat at maraming naapakan ang 'pag-unlad' ng bayan.

Highly recommended. Hindi ako nanghinayang sa pagbili ko sa librong ito.
More...